--Ads--

BAGUIO CITY – Babayaran ng Baguio City Police Office (BCPO) ang matrikula ng 20 mahihirap na estudyante ng Pinget Elementary School sa loob ng isang taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi ni Pol. C/Insp. Gil Imado, station commander ng BCPO-Station 2, na humingi ng tulong sa pulisya ang principal ng nasabing paaralan matapos makita kung gaano kahirap ang buhay ng mga mag-aaral.

Sinabi ni Imado na positibo ang sagot ni City Director Pol. S/Supt. Ramil Saculles sa kahilingan ng princiapl.

Aniya, nag-ambag-ambag ang mga station commanders ng BCPO upang makaipon sila ng pera na pantustos sa pag-aaral ng mga mahihirap na estudyante.

Nakatakda silang makipagpulong sa principal ng Pinget Elem. School upang pag-usapan ang plano ng BCPO na tulungan ang mga estudyante sa bawat taon.