--Ads--
Inihayag ni Benguet Congressman Eric Yap na nailaan na ang pondo para sa pagkumpleto ng mga gusali ng College of Medicine at College of Nursing ng Benguet State University (BSU).
Ayon sa kongresista, ang proyekto ay hindi lamang tungkol sa pagpapatayo ng mga gusali, kundi sumisimbolo rin ito ng pangako sa pagbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa mga nagnanais maging healthcare professionals, gayundin ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan.
Dagdag pa niya, sa mga susunod na taon ay itatayo na ang bagong college building ng unibersidad at magkakaroon na rin ito ng sariling College of Medicine, na inaasahang magpapalakas sa sektor ng kalusugan sa rehiyon. | via Bombo Karen Sapirao





