Bombo Radyo Baguio

POSD, nagsasagawa ng clearing operations sa Guisad Surong, Baguio City; patuloy ang pagsita sa illegal peddlers sa Baguio

Nagsagawa ng clearing operations ang POSD, sa pangunguna ni Engineer Charles Carame ng CDRRMO, kasama ang iba pang participating agencies sa Guisang Surong, Baguio City, kung saan naganap ang landslide.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Daryll Kim Longid, Chief ng POSD, sinabi niyang layunin ng clearing operations na alisin ang lahat ng debris at mabigyang-daan ang turning point sa nasabing lugar.

Ibinahagi rin ni Longid na patuloy ang pagtulong ng kanilang mga miyembro sa CDRRMO kasama ang iba pang ahensya at bahagi umano ito ng kanilang tungkulin.

Samantala, patuloy rin ang pagsita sa mga illegal peddlers sa lungsod ng Baguio. May mga isinusulong na ring proposal at resolution sa City Council laban sa mga ito.

Ayon kay Longid, ang ilan sa mga naglalako ay mula sa ibang lugar na naging residente na ng lungsod, habang ang iba naman ay nagmula pa umano sa Visayas.

Tiniyak ni Longid na ginagawa nila ang kanilang trabaho alinsunod sa mga patakaran ng lungsod.

Umapela naman siya sa publiko na bumili lamang sa mga legitimate vendors dahil sila umano ang sumusunod at lumalaban nang patas.

Exit mobile version