BAGUIO CITY – Kinumpirma ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang posibleng pagbubukas muli ng Baguio-Cebu-Baguio flight sa Loakan Airport.
Ito ay matapos i-anunsiyo ng isang Airline company na hihinto na ang kanilang operasyon sa Loakan Airport, Baguio City na may rutang Baguio-Cebu-Baguio sa Hulyo uno ng kasalukuyang taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Magalong, nararanasan na ang panahon ng tag-ulan kaya titigil muna ang operasyon sa Loakan airport.
Una na ring sinabi ni City Administrator Engr. Bonifacio dela Peña na magbabalik ang operasyon ng nasabing airline company kung masosolusyonan ang problema sa pagkakalugi at ang hindi magandang panahon.
Ayon kay Mayor Magalong, plano nila na humanap ng iba pang airline services na interesadong mag-operate sa Loakan airport.
Sa kasalukuyan ay bukas pa naman ang Loakan Airport sa mga chopper pero kailangan parin nilang sundin ang iskedyul.
Inihayag naman ng Hotel Restaurant Association of Baguio na hindi masyado maaapektuhan ang sektor ng turismo sa nakatakdang paghinto ng Baguio-Cebu-Baguio flight sa Loakan airport.