BAGUIO CITY – Naobserbahan ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado publiko sa siyudad ng Baguio at probinsiya ng Benguet.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Grain Retailers Confederation of the Philippines -Baguio-Benguet President Nicolas Medrano, mas mababa ang presyo ng bigas sa kasalukuyan kung ikukumpara sa mga nakaraang buwan.
Ayon sa kanya, aabot sa P1,150 hanggang P1,200 ang presyo ng kada 25 kgs. habang P1,300 naman sa special rice.
Aniya, gumanda ang suplay ng bigas sa kasalukuyan dahil maraming umaakyat na suplay sa siyudad ng Baguio mula Isabela, Nueva Vizcaya, Pangasinan at Tarlac.
Gayunpaman, sinabi ni Medrano na hindi niya nakikita ang mas lalong pagbaba ng presyo ng bigas dahil kumunti ang ani ng mga magsasaka sa kasakuluyan kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Dagdag pa niya na ang mga importers ang nagbibigay ng presyo ng bigas kaya dadagdagan nila ito kung ibebenta nila sa merkado.
Samantala, sinabi ni Medrano na malaking ang epekto ng El NiƱo phenomenon sa mga magsasaka dahil pahirapan ang pagkukunan nila ng suplay ng tubig para sa kanilang mga pananim.