BAGUIO CITY – Nagpadala ang Police Regional Office-Cordillera (PRO-Cor) ng 1,036 na pulis upang tumulong sa pagpapatupad ng seguridad para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Quezon City nitong Lunes, Hulyo 27.
Ayon kay PRO-Cordillera Regional Director Brig. Gen. Ericson Dilag, inaasahang ipapakita ng mga ipinadalang pulis ang disiplina, kakayahan, at dedikasyon ng bawat Cordilleran police officer. Pinaalalahanan din niya ang mga ito na manatiling alerto, magpakita ng maximum tolerance, at mahigpit na sundin ang mga itinakdang operational procedures.
Tiniyak naman ni Dilag na may sapat na bilang ng mga pulis na nananatili sa iba’t ibang lugar sa Cordillera upang mapanatili ang kaayusan, police visibility, at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyong pangkaligtasan sa publiko.
