--Ads--

Inatasan ng Office of the Ombudsman si Assistant Special Prosecutor Ryan Quilala na magpaliwanag kaugnay ng alegasyon ni Ramil Madriaga na tumanggap umano siya ng milyong halaga mula kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, naglabas na ng show cause order ang Internal Affairs Board matapos lumabas ang mga alegasyon sa pagdinig ng House justice panel at sa sinumpaang salaysay ni Madriaga.

Sinabi ni Clavano na seryoso ang paratang at kailangan itong imbestigahan upang mapanatili ang integridad ng tanggapan. Dagdag pa niya, may mga larawan at video na isinumite bilang bahagi ng ebidensya kaya’t kinakailangang sagutin ito ni Quilala.

Tiniyak din ng Ombudsman na sisiyasatin nang mabuti ang isyu upang matukoy ang katotohanan, habang hinihintay ang panig ng nasasakdal. Sa ngayon, hindi pa apektado ang panunungkulan ni Quilala habang nagpapatuloy ang proseso ng imbestigasyon.