--Ads--

Hinihimok ang publiko na huwag bumili sa mga illegal peddlers na nagtitinda sa mga bangketa o pasyalan sa Baguio City.

Kasunod ng naobserbahang pagtaas ng bilang ng mga illegal peddlers na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Daryl Kim Longid, Chief ng Public Order and Safety Division, sinabi niyang bumili na lamang sa mga lehitimong vendor at mayroong permit na magbenta.

Ibinahagi niya na mas mainam sa isang komunidad na pumunta sa tamang lugar para mamili.

Aniya, napansin nila na dumarami na ang mga illegal peddlers sa syudad kung saan, sinabi niyang may grupo pang mula sa Visayas region, bukod pa sa tinatawag nilang ‘Bacolod group.’

Aniya, ang ‘Bacolod group’ na tinatawag nila ay mga indibidual na nagmula sa nasabing lugar na dito na lumaki kung saan halos anim na taon na sila naninirahan sa lungsod.

Ngunit pagsisiguro ni Longid, gagawin nila ang lahat para ma-regulate ang mga ito dahil naniniwala siyang hindi sila mapapaalis.

Ayon kay Longid, marami na silang natatanggap na reklamo dahil marami sa kanila ang nagbebenta ng mga bulok na produkto.

Dahil dito, hinimok niya ang publiko na huwag silang tangkilikin dahil nagiging hadlang sila sa mga legitimate vendors na sana’y pagbilbilhan ng mga costumers.

Samantala, aminado si Longid na mas maraming pang mga illegal peddlers ang darating sa lungsod ngayong “Ber” Months.

Pero ayon sa kanya, nakanda na rin sila dito, at sa pagpapatupad ng Anti-Peddling Law.