--Ads--

(Update) BAGUIO CITY – Ligtas na ang kalagayan ng pulis na binaril ng kanyang live-in partner sa San Carlos Heights, Irisan, Baguio City.

Nakilala ang biktima na si PO1 Mark Mandi-ing Ocyaden, 47, na kasapi ng Baguio City Police Office habang ang suspek ay nakilalang si Sharon Tangloan.

Batay sa inisyal na report ng pulisya, umuwi umano ang biktima sa kanilang bahay nang mahalata ng suspek na nakainom ito.

Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan hanggang sa pumasok ang suspek sa kanilang silid, kinuha ang issued firearm ng biktima at binaril niya ito.

Natamaan ang kanang bahagi ng likod ng biktima na kung saan tumagos ang bala sa kanyang kanang kamay.

Dinala ng biktima ang kanyang sarili sa ospital habang inaresto ng mga pulis ang suspek, at narekober din sa kanyang pag-iingat ang ginamit nitong baril.