Bombo Radyo Baguio

Quirino Governor Dakila Carlo “Dax” Cua, pumanaw sa edad na 48

Pumanaw si Quirino Governor Dakila Carlo “Dax” Cua sa edad na 48, ayon sa House of Representatives nitong Miyerkules.

Kinilala ng Kamara si Cua sa kanyang mahigit dalawang dekadang serbisyo publiko at ambag sa lokal na pamamahala.

Nagsimula sa politika si Cua noong 2001 bilang vice governor ng Quirino. Naging gobernador siya mula 2007 hanggang 2010, kinatawan ng lalawigan sa Kamara mula 2010 hanggang 2019, at muling naging gobernador noong 2019 hanggang sa kanyang pagpanaw noong Setyembre 15.

Pinangunahan din ni Cua ang United Cities and Local Governments Asia-Pacific o UCLG ASPAC mula 2023.

Hindi pa batid ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Naiwan niya ang kanyang asawa na si Congresswoman Midy Cua at tatlong anak.

Exit mobile version