BAGUIO CITY – Pinasinayaan kahapon ang rebulto ng limang life size na elepante sa Botanical Garden, Baguio City.
Kasabay ito ng pagdiriwang sa ika-70 na anibesaryo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Thailand.
Ang mga iskultura ay may taas na limang talampakan na nagsisimbolo sa magandang samahan ng dalawang bansa.
Ayon sa mga opisiyal ng lungsod ng Baguio, ang mga rebolto ay ginawa ng mga Thai sculptors sa loob ng apat na buwan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng isang kompanya ng semento sa Thailand.
Sinabi ni Thailand Ambasador to the Phililippines Thanatip Upatising na naghanda sila sa loob ng 22 buwan para sa pagtatayo sa mga nasabing iskultura ng elepante.
Aniya, ang bawat elepante ay sumisimbolo sa mga katangian ng lunsod ng Baguio.
Ipinaliwanag niya na limang elepante ang itinayo ng Thailand sa Baguio City dahil itinuturing ang lima bilang “lucky number” sa Thailand.