Nahaharap ngayon sa administratibong reklamo ang isang retiradong heneral ng Philippine National Police dahil sa umano’y pagtanggi nitong sumunod sa isang direktiba at sa pagsusuot ng mamahaling “footwear.”
Ayon sa Inspection, Monitoring, and Investigation Service ng National Police Commission (Napolcom), nagsampa sila ng kasong less grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer laban kay dating PNP Health Service director Brig. Gen. Jezebel Imelda Dominguez Medina, ang kinikilalang unang babaeng police general.
Sinabi ng ahensya na nabigo siyang sumunod sa paulit-ulit na direktiba na magsumite ng psychiatric at psychological evaluation report sa isang patrolman na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD). Ang patrolman ay gumawa umano ng seditious remarks online habang si Medina ay nagsisilbing Health Service director.
Isa pa sa naging dahilan ng reklamo ay ang pagpapakita umano ni Medina ng mamahaling “footwear” na nagkakahalaga ng ₱70,599.75, na halos isang buwang suweldo ng isang police brigadier general.
Sinabi ng NAPOLCOM na ang hakbang ay nagpapataas ng mga alalahanin tungkol sa mababang antas ng pamumuhay, partikular na ng mga matataas na opisyal ng pulisya.
Maipapaalalang naabot ni Medina ang mandatoryong edad ng pagreretiro na 56 noong Disyembre 25 lamang.
Home Local News Retiradong Heneral ng Philippine National Police, nahaharap sa kasong administratibo
Retiradong Heneral ng Philippine National Police, nahaharap sa kasong administratibo
--Ads--











