Bombo Radyo Baguio

Senator-judge Escudero, nanawagan ng pagiging neutral ng senator-judges sa impeachment trial

Nanawagan si impeachment court presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero sa mga senator-judge na manatiling walang kinikilingan at politically neutral sa pagdinig ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang ruling nitong Miyerkules, pinaalalahanan ni Escudero ang mga senator-judge sa kanilang sinumpaang tungkulin na magbigay ng walang kinikilingang hustisya alinsunod sa Konstitusyon at mga batas ng Pilipinas.

Binanggit din niya ang Rule 3 ng Rules of Impeachment, na nag-aatas sa mga senator-judge na panatilihin ang political neutrality o gampanan ang kanilang tungkulin nang walang diskriminasyon at anuman ang kanilang political affiliation o preference.

Ayon kay Escudero, mahalagang mapanatili ang impartiality ng impeachment court at pagiging patas ng buong proseso.

Exit mobile version