--Ads--
ISABELA – Gumuho ang Sta. Maria Bridge sa bayan ng Sta. Maria, Isabela, batay sa impormasyong inilabas ng Cagayan Provincial Information Office.
Ang nasabing tulay ay natapos lamang dalawang buwan na ang nakalilipas mula sa pagkakakumpleto ng konstruksyon nito.
Nagsimula ang pagtatayo ng tulay noong 2018, kaya’t limitado lamang ang mga sasakyang pinahihintulutang dumaan, partikular na ang mga may magagaan na bigat.
Sa kasalukuyan, isinasagawa ang imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng pagguho ng tulay at upang alamin kung may mga nasugatan sa naturang insidente.