--Ads--

Kahanga-hanga ang ginawa ng isang estudyante ng isang paaralan sa Baguio City dahil sa ipinamalas nitong malasakit sa isang matandang lalaki.

Habang papatawid ang isang matandang may saklay sa pedestrian lane sa Harrison Road, Baguio City bandang alas 7:42 ng umaga ngayong araw, maysa isang studyante na agad tinulungan ang matanda dahil nahihirapan itong maglakad.

Ayon sa studyante, tinulungan niya ang matanda dahil wala umano itong mapara na taxi kaya tumawid ito sa kabila, na sa mga oras na iyon ay punuan ang mga sasakyan.

“Wala po kaseng masakyan na taxi kaya tumawid ito.” saad ng studyante na parang nagmamadali.

Agad namang ipinaalam ng studyante ang sitwasyon ng matanda sa isang pulis na naka-duty, at agad na naglakad ito patungo sa paaralan dahil huli na ito sa kanyang klase.

Umaksyon naman ang pulis at pumara ng taxi.

Isang patunay na nanaig parin ang diwa ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa, lalo na sa mga matatanda.