--Ads--
Nakapagtala ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Benguet Provincial Office ng pagtaas ng insidente ng sunog ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.
Ayon sa provincial director ng BFP, karamihan sa mga sunog ay naganap noong Enero at Pebrero ng 2026. Sa kanilang datos, nakapagtala sila ng 17 insidente ng sunog mula Enero hanggang Pebrero, mas mataas kumpara sa limang insidente na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Batay sa talaan ng ahensya:
- 10 insidente ang naitala sa Bayan ng Itogon
- 3 sa La Trinidad
- 2 sa Mankayan
- At tig-iisa sa mga bayan ng Atok, Bokod, at Kapangan
Aminado ang BFP-CAR Benguet na hindi nila kayang pondohan ang isang helicopter o chopper na gagamitin sa pagtugon sa mga sunog sa kagubatan. Gayunpaman, sinabi nilang handa ang Office of Civil Defense (OCD) na maglaan ng helicopter sa sandaling kinakailangan sa mga emergency operations.











