--Ads--

BAGUIO CITY – Apektado na tagtuyot ang operasyon ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) sa iba’t-ibang bahagi ng lunsod ng Baguio at lalawigan ng Benguet.
Inihayag ni BENECO Community Relations Officer Eric de Guzman, nagkukulang ang suplay ng kuryente dahil sa tagtuyot o El Niño lalo na sa mga ibat-ibang planta sa bansa.
Aniya, hindi fully operational ang mga planta dito sa bansa kayat apektado din ang suplay hindi lang dito sa lokalidad kundi sa iba’t-ibang panig din ng bansa.
Sa kabila nito, tiniyak ni De Guzman na nagsasagawa ang kooperatiba ng iba’t-ibang paraan para mabigyan pa rin ng sapat na suplay ang mga konsyumer ng kuryente.