--Ads--
Ibinasura ng isang federal judge sa Estados Unidos ang kasong isinampa laban kay pop superstar Taylor Swift kaugnay ng umano’y pangongopya ng mga linya mula sa tula ng isang babaeng taga-Florida sa mahigit isang dosenang kanta.
Ayon kay U.S. District Judge Aileen Cannon, nabigo ang nagsakdal na si Kimberly Marasco na patunayang protektado ng copyright ang kanyang mga tula o na nabasa ni Swift ang mga ito at may malaking pagkakahawig sa kanyang mga awitin.
Hindi sang-ayon si Marasco sa desisyon at sinabi niyang iaapela niya ang kaso.






