--Ads--

BAGUIO CITY-Aapela ang Team Lakay sa ONE Championship dahil sa wrong call sa naging laban nina Igorot fighter Geje Eustaquio at grappling specialist Kairat Akhmetov sa ONE: Total Victory na naganap sa Indonesia noong Sabado.

Ayon kay Eustaquio, magsusumite sila ng official letter of protest ngunit hihintayin pa nila ang opisyal na pahayag ng ONE Championship.

Inamin mismo ng nasabing mixed martial arts promotion na nagkamali ang referee na si Yuji Shimada noong pinatigil nito ang pag-atake ni Eustaquio kay Akhmetov sa unang ikot pa lamang ng kanilang laban.

Sinabi naman ni Eustaquio na noong pinatigil siya ng referee ay ninanis niyang magpaliwanag pero iginiit ni Shimada ang desisyon nito.

Ayon pa sa Igorot fighter, kahit noong itinanghal na kung sino ang nagwagi sa kanila ni Akhmetov ay hinintay niya pa rin na humingi ng paumanhin sa kanya ang referee ngunit wala itong napala.

Maaalalang pinatigil ni Shimada ang pag-atake ni Eustaquio kay Akhmetov dahil sa mga upward kicks nito na ayon sa referee ay iligal ngunit batay sa mga alituntunin sa MMA ay ligal ang mga nasabing galaw.

Kaugnay nito ay sinabi ni Eustaquio na hindi ito ang unang pagkakataong may natalong fighter ng Team Lakay dahil lamang sa wrong call o late stoppage ng referee.

Kapag napatunayang nagkamali ang referee ayposibleng maisasagawa ang rematch nina Eustaquio at Akhmetov at ang naunang laban nila ay maikokonsidera bilang non-contest.