--Ads--

Baguio City – Nanaig ang koponan ng Maharlika Roast Beef para iuwi ang tropeo sa Regular Fil G sa pagpapatuloy ng 72nd Fil-Am Golf tournament sa Baguio Country Club at Camp John Hay.

Nakapagtala ng 247 points ang Maharlika upang manalo ng apat na puntos sa 2nd placer na Ismael CPA/ Amigos. Nakuha naman NBI Team 157 ang ikatlong pwesto dahil sa 217 points.

Ang Maharlika ay binubuo sa pangunguna ng kanilang team captain na si Ryan Mendoza, Don Santiago, Jp Santiago, Norberto Manzano at Quincy Buenaflor.

Ayon kay Paulo Legaspi, team captain ng Redcore na nag 1st runner up sa Fil F division na ito ang unang pagkakataon na lumahok sa Fil-Am ang Maharlika at Redcore na binubuo ng mga kaibigan niya mula highschool at college na mahilig mag laro ng golf.

Ang dalawang grupo ay mula National Capital Region or NCR at regular silang naglalaro sa Alabang Country Club at iba pang Metro Manila golf courses.

Ikinatuwa nila na sa kanilang pagsali ay maipagmamalaki na nila na sila ay kampeon at achievers sa paglahok sa longest and oldest amateur golf tournament sa buong mundo.