--Ads--

Noong Sabado ng gabi, hindi na ma-access ang TikTok sa United States, halos dalawang oras bago ipatupad ang isang batas na nagbabawal dito. Ang app, na ginagamit ng 170 milyong Amerikano, ay biglang nag-blackout.

Kapag binuksan ang TikTok, lilitaw ang mensaheng: “Sorry, TikTok isn’t available right now. A law banning TikTok has been enacted in the U.S. Unfortunately, that means you can’t use TikTok for now.”

Pinagtibay ng Korte Suprema ang batas noong Biyernes. Ang batas, na inaprubahan ng Kongreso at nilagdaan ni Pangulong Joe Biden noong Abril, ay nagbabawal sa TikTok maliban kung ibebenta ito sa isang kumpanya mula sa U.S. o sa mga kaalyado nito.

Gayunpaman, posibleng hindi magtatagal ang pagkawala ng TikTok. Inihayag ng kumpanya na maaari itong bumalik sa serbisyo sa lalong madaling panahon – posibleng sa Lunes.