--Ads--

Tiniyak ngayon ng lokal na pamahalaan ang kahandaan nito sa inaasahang pagdagsa ng libu-libong turista sa Summer Capital of the Philippines ngayong Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Baguio City Administrator Engineer Bonifacio Dela Peña, sinabi nitong handa na ang pulisya, kaukulang mga ahensiya at volunteer groups na magbibigay ng seguridad sa publiko.

Inaasahan kasi nilang tataas ng 10 hanggang 15 percent ang bilang ng mga turistang aakyat sa City of Pines ngayong taon mula noong 2024.

Aniya, dahil sa tumutinding init ng panahon sa lowland areas na umaabot sa hanggang 40 degrees celcius ay posibleng maraming magbabakasyon sa lungsod ng Baguio na nakapagtatala ngayon ng 17 hanggang 25 degrees celsius.

Ayon pa kay Dela Peña, gusto nilang gawing best holy week vacation para sa mga turista ang pagpunta ng mga ito sa lungsod ngayong taon kaya patuloy din ang kanilang koordinasyon sa mga accomodations para matiyak ang pagbibigay nila ng magandang serbisyo.

Tinitiyak din ng opisyal and sapat na suplay ng tubig.

Ngayong taon, inaasahang tataas ang tourist arrival mula sa 150,000 na naitala noong 2024.

Kaugnay nito,sinabi naman ni Police Major Kurt Pacificar, hepe ng Tourist Police Unit ng Baguio City Police Office na nakadeployna ang kanilang personnel sa iba’t ibang lugar na madalas pinupuntahan ng mga bisita katulad ng Burnham Park, Wright Park, Botanical Garden, Mines View, Lions Head, at ng Heritage Park.