--Ads--

Baguio City โ€“Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Victory Day Golf Cup sa Camp John Hay Golf Course.

Mahigit 50 manlalaro ang lumahok sa palaro na inorganisa ng Philippine Veterans Bank.

Ayon kay Mike Villa-Real, first vice president for marketing and communications ng nasabing bangko, umabot sa P600,000.00 ang nalikom mula sa torneo.

Ang pondo ay ilalaan para sa pagsasaayos at pagpapatayo ng mga World War II markers sa Baguio City at Benguet Province.

Ang nasabing golf tournament ay idinaos bilang paggunita sa ika-80 anibersaryo ng pagsuko ng Japanese Imperial Army na nagwakas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig dito mismo sa Baguio City.