--Ads--

BAGUIO CITY – Inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na walang indikasyon ng foul play sa nasunog na financial management records room ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Cordillera noong Enero 14, 2026.

Ayon kay Mayor Magalong, batay ito sa forensic result na isinagawa ng mga awtoridad. Gayunpaman, aniya, inisyal pa lamang ang resulta dahil kailangan pang masusing i-analisa ang mga ebidensiya.

“Initial result, indicate na walang foul play. Walang indications na may criminal intent o kaya’y malicious intent. Initial pa lang iyan base doon sa forensic nila,” ani Magalong.

Binanggit din ng alkalde na binalikan muli ng mga awtoridad ang fire scene upang ivalidate ang kanilang mga natuklasan, partikular kung nagkaroon ng faulty wiring na maaaring naging sanhi ng sunog.

“Kaya ngayon binabalikan nila, andito ngayon iyong mga investigator nila, binalikan nila ulit iyong fire scene to validate iyong findings ng forensic.”

Una nang sinabi ni Mayor Magalong na may mga dokumento sa fire scene na tinatayang nasa 3–4 rims, ngunit nilinaw niya na ang tanging nakakaalam sa nilalaman ng mga dokumentong ito ay ang tanggapan ng DPWH.