SABLAN, BENGUET — Tampok ang walong float sa pagdiriwang ng ika-12 Sablan Fruit Festival na may temang “A Dozen Years of Abundance: Rooted in Tradition, Harvesting Hope, Fruiting Prosperity.”
Kabilang sa mga pangunahing batayan sa paghusga sa mga float ang dami ng mga prutas na ginamit, gayundin ang kanilang presentasyon at pagkakaugnay sa tema ng selebrasyon.
Tatlong pangunahing parangal ang nakalaan para sa mga kalahok—ang Best Showcase of Fruit Abundance, Best Theme Interpretation, para sa pinakamahusay na pagpapakahulugan sa tema, at Best Innovative Float.
Patuloy naman ang mga aktibidad sa Municipal Gymnasium na dinadaluhan ng mga residente mula sa iba’t ibang barangay, kasama ang mga lokal na opisyal.
Magsisilbing Guest of Honor sa pagdiriwang si Daisy Payang, Provincial Director ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Benguet.
Ang ika-12 Sablan Fruit Festival ay nagpapatuloy hanggang Setyembre 4.
