
Kabayan, Benguet โ Isang residente ang nasawi habang 104 katao ang inilikas at 157 pamilya ang naapektuhan sa bayan ng Kabayan, Benguet bunsod ng mga pag-ulan at pagguho ng lupa dulot ng Bagyong Uwan.
Ayon sa ulat ng Kabayan Emergency Operations Center (EOC), alas-3:15 ng madaling-araw, Nobyembre 10, 2025, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Barangay DRRMC hinggil sa isang pagguho ng lupa na tumama sa isang tirahan sa Sitio Tinaleb, Barangay Ballay.
Gayunman, nahirapan ang mga unang tumugon dahil hindi madaanan ang kalsada papunta sa lugar. Bandang alas-7:30 ng umaga lamang nang muling maging passable ang mga daan at agad na nakapagtungo sa lugar ang Incident Management Team (IMT) upang magsagawa ng pagsagip.
Kinilala ang nasawi na si Victoria P. Subli, 65 taong gulang. Ayon sa imbestigasyon, natabunan ng gumuhong lupa ang unang palapag ng bahay kung saan natutulog ang biktima.
Samantala, ayon sa tala ng EOC hanggang alas-5:00 ng hapon, Nobyembre 10, 29 pamilya o 100 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga bahay ng kanilang kamag-anak, habang isang pamilya na may apat na miyembro ang nailikas sa Bashoy Barangay Health Center.
Kabuuang 157 pamilya o 653 indibidwal mula sa mga Barangay Ballay at Eddet ang naiulat na naapektuhan ng Bagyong Uwan.
Ang lokal na pamahalaan ng Kabayan ay nagpapatuloy sa pagbibigay ng tulong at pagsasagawa ng assessment sa pinsalang idinulot ng bagyo.๐๐๐ฎ, ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ด๐๐ต๐ผ ๐ป๐ด ๐น๐๐ฝ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐ฒ๐ป๐ด๐๐ฒ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ ๐ง๐๐ฝ๐ต๐ผ๐ผ๐ป ๐จ๐๐ฎ๐ป









