--Ads--
Baguio City — Isang 50-anyos na lalaki, residente ng Camp 7, ang nasugatan matapos ang isang aksidente noong Mayo 24 sa naturang lugar.
Batay sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, naglalakad umano ang biktima upang ilibing ang kanyang namatay na aso nang bigla itong dinamba ng isa pa niyang alagang aso. Dahil dito, nawalan siya ng balanse at aksidenteng nahulog mula sa tinatayang anim na metrong taas.
Dahil sa pagkahulog, nagtamo ang biktima ng mga sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng EMS upang bigyan siya ng paunang lunas bago isinugod sa pagamutan para sa karagdagang gamutan at obserbasyon. | via Bombo Noveh Organo











