--Ads--
BAGUIO CITY – Patay ang isang motorcylce rider sa nangyaring vehicular accident sa Loakan Proper, Baguio City.
Nakilala ang biktima na si John Biscaya Bugnay na residente ng lungsod ng Baguio.
Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo, nag-overtake ang motorcycle rider na si Bugnay sa kasunod nitong pangsaherong jeep nang bumangga ito sa kasalubong na Toyota Prado na minamaneho naman ni Jilliane Padcayan Abaniel.
Tumilapon pa si Bugnay at tumama ito sa jeep na sanhi ng pagtamo nito ng malubhang pinsala sa katawan.
Naisugod naman agad ito sa pagamutan pero binawiaan din ito ng buhay.