--Ads--

BAGUIO CITY — Inilatag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kanyang mga matitinding panawagan kaugnay ng inaasahan niya sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw, Hulyo 28.

Sa panayam ng Bombo Radyo, tatlong pangunahing isyu ang binigyang-diin ng alkalde:

Una, ang panawagan para sa isang transparent at tamang proseso sa pagbabalangkas ng national budget para sa 2026, lalo na tuwing bicameral conference committee meetings.

Ayon kay Mayor Magalong, ang 2025 budget ay hindi lamang basta mishandled, kundi talagang “mutilated, disfigured, at mangled.”

Giit niya, ginamit ng ilang politiko ang bilyon-bilyong pisong pondo ng bayan upang suportahan ang kanilang kampanya sa eleksyon, partikular sa pamimili ng boto sa pamamagitan ng mga programang AKAP, AICS, at TUPAD.

Dagdag pa niya, ipinalabas ang pondo na para bang galing sa bulsa ng mga politiko, gayong malinaw na ito ay buwis ng taumbayan.

Hiniling din ng alkalde na itaas at gawing tunay na top priority ang budget para sa edukasyon, dahil kada pasukan ay kapos sa mga silid-aralan, libro, at school buildings—samantalang punung-puno naman ang bulsa ng mga

Ibinunyag ni Magalong na ginagamit umano ang ilang technical tricks, gaya ng pagsasama ng budget ng Philippine Military Academy at iba pang training institutes, upang palabasing mataas ang pondo ng edukasyon.

Aniya, kitang-kita rin ang pagkadismaya ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, na personal niyang kilala, dahil nais nitong magkaroon ng bukas at tapat na pamahalaan—ngunit limitado ang kilos dahil sa kasalukuyang sistema.

Ikatlo, nanawagan si Mayor Magalong na alisin na ang kontrol ng mga mambabatas sa pamamahala ng mga social aid programs gaya ng AICS, AKAP, MAIP, at TUPAD.

Ayon sa kanya, pinagkakakitaan na lamang ng ilang opisyal ang mga programang ito, kaya’t nararapat lamang na mga ahensiya ng gobyerno ang direktang mangasiwa sa mga ito.

Samantala, muling ipinaalala ni Magalong ang pangako umano sa kanya ni Pangulong Marcos Jr. noong 2018, bago pa ito mahalal bilang presidente—ang pagsusumikap na muling linisin ang pangalan ng kanilang pamilya.

Saad ni Magalong, kaya pa ng Pangulo na maisakatuparan ito sa susunod na tatlong taon, basta alisin niya ang mga tiwaling opisyal—maski kamag-anak man niya o kaibigan.