Ipinaliwanag ni Baguio City Congressman Mauricio Domogan na hindi maituturing na political season ang idinaraos na Panagbenga Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi niyang hindi isyu kung may mga artistang nakatayo sa mga float na ipinaparada dahil nagsisilbi lamang ang mga ito bilang “attraction” para sa mga nanonood ng parada.
Dagdag pa niya, kahit may mga artistang sakay ng mga float, mananatiling nakatuon ang mga hurado sa disenyo at kabuuang presentasyon ng mga float na kalahok sa parada.
Nilinaw ng kongresista na ang mahigpit na ipinagbabawal ay ang pag-akyat o pagsakay ng mga pulitiko sa mga nakaparadang float. Aniya, maituturing itong uri ng pangangampanya, kaya’t hindi nila pahihintulutan ang sinumang pulitiko na makitang sakay ng mga float ngayong taon. | via Bombo Karen Sapirao









