Mas mataas ngayon ang populasyon ng mga waterbird sa Santa Marcela, Apayao kumpara noong nakaraang taon.
Batay sa tala ng 2026 Asian Waterbird Census na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), may kabuuang 4,125 waterbird ang naitala, isang makabuluhang pagtaas mula sa 1,169 noong nakaraang taon.
Kabilang sa mga binabantayang lugar ang Bacut Lake, Tacang SWIP, at mga anyong-tubig sa Barangay Marcela, Nueva, at Panay. Karamihan sa mga naobserbahang waterbird ay Intermediate Egret, Little Egret, at Philippine Duck, na nagpapahiwatig ng malaking pagbuti ng kalagayan ng wetlands.
Ilan pa sa mga naitalang ibon ay mga tagak, bittern, kingfisher, bulbul, kuwago, shrike, at mynah.
Ayon sa DENR, makikita sa kanilang mga natuklasan ang mahalagang papel ng wetlands sa Santa Marcela bilang tahanan ng mga migratory at resident birds.
Hinimok ng ahensya ang patuloy na proteksyon, masusing pagsubaybay, at pakikipagtulungan sa mga lokal na residente upang mapanatili ang ekosistema sa lugar.











