--Ads--

Pinangunahan ng Cordilleran Paralympian na si Jerrold Pete Mangliwan ang Team Philippines sa pagbubukas ng seremonya ng 13th ASEAN Para Games sa Nakhon Ratchasima, Thailand noong Enero 20, 2026.

Bitbit ng pinalamutian niyang wheelchair, ang racer na nagmula sa Tabuk City, Kalinga ang nagwagayway ng watawat ng Pilipinas habang nagmartsa ang delegasyon ng bansa sa parada ng mga kalahok upang pormal na buksan ang palaro, na tatakbo mula Enero 20 hanggang 26.

Ipinahayag ni Mangliwan ang kanyang labis na kagalakan sa panayam ng Bombo Radyo matapos siyang mapili bilang flag bearer ng Pilipinas. Ayon sa kanya, malaking karangalan ang mapili sa gitna ng napakaraming mahuhusay na atleta ng bansa.

Nagpasalamat din siya sa pamahalaan sa patuloy na suportang ipinagkakaloob nito sa mga atletang Pilipino, lalo na sa sektor ng para sports.