--Ads--

Matagumpay na naisagawa ang isang community service mission sa Calobaoan, San Carlos City, Pangasinan sa pangunguna ng Philippine Noble Eagles International Solidarity, na pinamumunuan ni Engr. Armando E. Miranda at kinatawan ni National Vice President Rommel Penullar.

Sa pamamagitan ng Baguio Bulacan Noble Eagles Sodality at Baguio Bulacan Lady Noble Eagles Sodality, nakipagsanib-puwersa ang grupo sa iba pang mga dedikadong organisasyon upang maghatid ng mahahalagang serbisyo sa puso ng komunidad.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ay ang pamamahagi ng mahigit 150 pares ng reading at progressive eyeglasses, libreng eye check-up mula sa mga propesyonal, at libreng gupit para sa mga mamamayan.

Layunin ng nasabing aktibidad na mapalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga residente, lalo na sa mga nangangailangan, habang pinapalaganap ang diwa ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residente ng Barangay Calobaoan sa tulong na kanilang natanggap, na anila’y malaking ginhawa at inspirasyon sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.