--Ads--

Pinapabilis ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang pamamahagi ng ₱56 milyong food subsidy para sa mga mahihirap, na nagmula sa pondo ng pambansang pamahalaan.

Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, inatasan na ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na ihanda ang mga kinakailangang dokumento upang agad maipamahagi ang ayuda sa ilalim ng Bagong Pilipinas Rice Program.

Tiniyak ng alkalde na magiging patas ang distribusyon ng tulong at hindi ito maiuugnay sa pulitika.

Ang naturang pondo ay bahagi ng mas malaking Local Government Support Fund na layong matulungan ang mga pamilyang nangangailangan sa iba’t ibang lugar sa bansa.