--Ads--
Aktibong mino-monitor ng Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) ng Barangay Poblacion sa Itogon, Benguet ang mga nagha-hike sa Mt. Bidawan patungong Ave Maria Shrine noong Maundy Thursday, Abril 2, 2026.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng pagbabantay na masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero at maiwasan ang aksidente habang naglalakad sa bundok, lalo na sa panahon ng Semana Santa na dinarayo ng maraming deboto at turista.
Patuloy ang DRRMC sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na barangay at rescue units upang agad na makapagbigay ng tulong sakaling may kinakailangang medikal o emergency assistance sa mga umaakyat sa bundok.








