--Ads--

Baguio City- Binukasan na sa publiko ang pinakabagong pasyalan sa Camp John Hay. Ang Tranquility Park, magsisislbing wellness and reflection area sa nasabing parke.

Pinangunahan ni John Hay Management Corporation President Manjit Singh Reandi ang ribbon-cutting ceremony kung saan dito niya pinaalalahanan ang publiko ang tungkulin ng bawat isa na alagaan at ingatan ang kapaligiran.

Kabilang sa mga pwedeng gawin sa pasyalan ay lugar para sa meditation, exercise, social connection. Ang disenyo ay ginawa ni Architect Leonardo Biasura, Jr., sa pakikipagtulungan ng ng JHMC Project Management Division, Environment Management Division, General Services Division, at Aesthetic Enhancement Committee, kung saan ang parke ay nagpapakita ng symmetrical balance.

Sa layout ng parke ay makakatulong para sa makapagbawas ng stress at ma enjoy ang katahimikan.

Ang mga key features dito ang central meditation statue, landscaped walkways para sa relaxation, at maluwang na lugar para magsagawa ng wellness activities at community interaction.

Naging inspirasyon pa sa pagsasakatuparan sa nasabing proyekto ang makasaysayang bahagi ng Camp John Hay para sa mga sundalong Amerikano noong Ikalalawang Digmaang Pandaigdig.//JTablac