--Ads--

LA TRINIDAD, Benguet — Dinala ng Mines and Geosciences Bureau–Cordillera ang Mobile One-Stop Shop sa Benguet Sports Complex noong Hulyo 8 at 9, 2026 upang mapadali ang mga proseso at mabigyan ng teknikal at administratibong suporta ang mga small-scale mining operators.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga operator sa mga regulasyon ng pamahalaan at suportahan ang pormalisasyon ng small-scale mining operations, partikular sa mga idineklarang Minahang Bayan areas.

Kasama sa programa ang presentasyon ng DENR-MGB tungkol sa mga nakamit, inobasyon, hamon, best practices, at iba pang serbisyong may kaugnayan sa Minahang Bayan at small-scale mining contracts.

Isasagawa rin ang paggawad ng interim small-scale mining contracts ng MGB para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Inaasahang dadalo sa pagbubukas ng aktibidad sina DENR Secretary Juan Miguel Cuna, Assistant Secretary for Mining Concerns Michael Cabalda, MGB National Director Larry Heradez, DENR-CAR Regional Executive Director Paquito Moreno, at Benguet Governor Melchor Diclas.