Magbabalik sa aksyon ang Filipino mixed martial artist na si Jhanlo Mark Sangiao sa ONE Fight Night 46 sa Agosto 15 sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand.
Makakaharap ng 23-anyos na Team Lakay fighter ang Brazilian na si Marcos Aurelio sa bantamweight MMA bout. Ito ang unang laban ni Sangiao ngayong taon matapos ang kanyang submission victory laban kay Shinechagtga Zoltsetseg noong Hulyo 2025.
Ayon kay Sangiao, gagawin niya ang lahat upang makapagsimula ng panibagong kampanya sa taong ito sa pamamagitan ng panalo.
Sinabi rin niya na humingi siya ng payo kay Carlo Von Bumina-ang, na tinalo si Aurelio sa pamamagitan ng second-round knockout sa debut nito sa ONE Championship noong Enero 2026, upang mas mapaghandaan ang kanilang paghaharap.








