--Ads--
Hinimok ni Mayor Benjamin Magalong ang publiko na manatiling maingat matapos maitala ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Pinayuhan niya ang mga residente at bisita na magsuot ng face mask sa mataong lugar, umiwas muna sa pakikipagkamay, at panatilihin ang mabuting kalusugan.
Nakapagtala ang lungsod ng 41 kaso mula simula ng taon, kabilang ang 37 kaso mula Hunyo 28. Ayon kay Magalong, 78% ng mga ito ay mula sa mga healthcare worker na nahawa kaugnay ng kanilang trabaho.
Tiniyak ng alkalde na kontrolado ang sitwasyon at karamihan sa mga kaso ay banayad. Patuloy naman ang koordinasyon ng pamahalaang lungsod sa mga ospital upang palakasin ang monitoring, case investigation, at contact tracing.








