--Ads--

BAGUIO CITY – Magdaraos ang Baguio City Public Library ng book launching at signing para sa aklat na “Emceeing & Hosting Handbook: The ALPHA Way” ni Adamson N. Labi sa Hulyo 18, 2026.

Isasagawa ang aktibidad sa ganap na alas-2 ng hapon sa Baguio City Public Library at bukas ito para sa mga nagnanais matuto tungkol sa mahusay na pagho-host, pagsasalita sa publiko, at epektibong komunikasyon.

Ayon sa organizers, layunin ng paglulunsad na mabigyan ng praktikal na kaalaman ang mga aspiring emcee, event host, student leader, guro, public speaker, at iba pang interesado sa larangan ng komunikasyon.

Magkakaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na makilala ang may-akda at magpakuha ng lagda sa kanilang kopya ng libro na naglalaman ng mga gabay at teknik para sa mas kumpiyansa at mahusay na pagharap sa entablado.