--Ads--

Nauwi sa pagtatalo at pisikal na komprontasyon ang usapin sa umano’y pagkakautang ng dalawang negosyante sa Baguio Cit

Ang nagrereklamo ay isang 51-anyos na babae, negosyante at residente ng Balacbac, Santo Tomas Proper, Baguio City, habang ang kabilang panig ay isang 46-anyos na babae, negosyante at residente ng Claridad Street, Kayang Hilltop, Baguio City.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa loob ng restawran na pagmamay-ari ng nagrereklamo.

Bago ang insidente, habang nasa loob ng restawran ang nagrereklamo, dumating ang kabilang panig upang singilin siya sa umano’y utang.

Gayunman, nauwi ito sa mainit na pagtatalo hanggang sa ibato umano ng kabilang panig ang kanyang bag sa nagrereklamo.

Dahil dito, inilabas ng nagrereklamo ang kanyang cellphone upang kunan ng video ang kabilang panig.

Nang mapansin umano nitong kinukunan siya ng video, kumuha ito ng monobloc chair at ibinato sa nagrereklamo.

Dahil dito, nahulog ang cellphone at nasira ang LCD nito.

Pinayuhan ng mga pulis ang nagrereklamo na sumailalim sa medico-legal examination, ngunit tumanggi siya dahil nais muna niyang ipagawa ang nasirang LCD ng kanyang cellphone.