--Ads--

BAGUIO CITY – Mayroon nang CCTV ang lahat ng 128 barangay sa lungsod ng Baguio.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Baguio City Councilor at Association of Barangay Captains (ABC) President Rocky Aliping, sinabi niyang nabigyan ang lahat ng barangay dahil bahagi ito ng online monitoring system. Aniya, kinakailangang may CCTV ang bawat barangay para sa mas epektibong pagbabantay at seguridad.

Samantala, inilaan ng national government ang P25.8 milyon para sa 129 barangay ng Baguio, kung saan makatatanggap ang bawat isa ng tig-P200,000. Ang nasabing pondo ay nasa City Treasury na.

Ang pondo ay hahatiin para sa soft at hard projects. Kabilang sa soft project ang educational assistance para sa limang college students, partikular ang mga graduating students, habang ang hard project naman ay para sa mga pangangailangan ng barangay tulad ng CCTV installation, street lights, computer laptops, at iba pang pasilidad.

Ayon kay Aliping, patuloy na imo-monitor ang paggamit ng pondo ng mga barangay katuwang ang mga regulatory agencies gaya ng Local Government Unit ng Baguio at Department of the Interior and Local Government (DILG).