BAGUIO CITY – Idineklara ni Mayor Benjamin Magalong ang acute gastroenteritis outbreak sa Baguio City.
Kasunod nito ang naitalang mataas na kaso ng gastroenteritis diseases mula sa ibat ibang pagamutan na posibling galing sa mga kontaminadong mga pagkain o tubig.
Sa ngayon ay mahigpit na sinusuri ng mga otoridad ang sanhi ng outbreak sa pamumuno ng Baguio City Health Service Office,Baguio Water District at Baguio City Police Office investigators kung saan magsasawgawa sila ng agarang water testing operations at laboratory samplings upang matukoy ang pinagmulan ng nasabing sakit.
Kaugnay niyan, sinusuri na rin ng City Health Services Office ang mga resulta ng mga laboratory report mula sa mga pinagmumulan ng tubig o inuming tubig mula sa pinakamalaking mall ng lungsod.
Kumuha na rin ng water sample ang Sanitation mula sa mga water collectors at sumasailalim na sa testing at retesting.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong,una ng naitala anbg 1,602 na insidente kung saan aabot sa 218 ang apektado na establishimento at 80 na kabahayan simula noong Disyembre 21, 2023 at posibleng madagdagan ang bilang ng mga pasyenteng nagre-report sa health services office.
Bukod pa rito, nagsagawa rin ng sampling ang pinakamalaking mall sa lungsod at sinabing pinayuhan nila ang kanilang mga stakeholder na magbigay ng mineral o bottled water sa mga mamimili habang nakikipagtulungan sa City Health Services Office upang matukoy ang pinagmulan ng problema.
Pinaalalahanan din ng mga health authorities ang publiko na hindi dapat uminom ng tap water kundi mineral water o purified water ang inumin at kung may mga sintomas na mararamdaman ay agarang magtungo sa pinakamalapit na health services office.