--Ads--

Itatapat si Alexandra “Alex” Eala kay world No. 76 Renata Zarazua ng Mexico sa unang round ng Wimbledon Championships, batay sa draw na isinagawa noong Biyernes.

Si Zarazua, 28, ay nasa kanyang ikatlong main-draw appearance sa Wimbledon at may karanasan na sa Grand Slam grass court.

Para kay Eala, ito ang ikalawang beses niyang sasabak sa Wimbledon main draw matapos matalo sa first round noong nakaraang taon.

May nauna na ring paghaharap ang dalawa, kung saan nanaig si Zarazua sa ITF tournament noong 2024. Naging magkasama rin sila sa doubles sa French Open kung saan umabot sa second round.

Sa kabuuan ng season, nagpakita si Eala ng solidong kampanya sa WTA tour, kabilang ang semifinal run sa Berlin Tennis Open at kampeonato sa Birmingham Open.