--Ads--

Nagpahayag ng pasasalamat si Alex Eala matapos makapareha ang tennis legend na si Venus Williams sa doubles tournament ng Bad Homburg Open.

Natapos ang kanilang kampanya sa quarterfinals matapos matalo kina Olivia Nicholls at Tereza Mihalikova, 6-3, 6-2.

Sa social media, sinabi ni Eala na hindi niya inakalang magkakaroon siya ng pagkakataong makalaro at matuto mula kay Williams.

Susunod na sasabak si Eala sa singles draw ng Wimbledon bilang No. 29 seed.