Siento-por-ciento nang apektado ang mga magsasaka sa Atok, Benguet dahil sa patuloy na pag-ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Atok Mayor Franklin Smith, sinabi niyang napinsala na ang ilang pananim ng mga magsasaka dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Tiniyak naman ng alkalde na magsasagawa sila ng validation o pagsusuri sa mga apektadong sakahan matapos ang pag-ulan upang matukoy ang lawak ng pinsala.
Samantala, may ilan-ilan pa ring turistang bumibisita sa kanilang munisipyo kahit may panawagan ang gobernador na pansamantalang isara o ihinto muna ang mga tourism activities sa lugar.
Ayon kay Mayor Smith, sinabi niya sa mga tourism stakeholders na sa halip na pauwiin ang mga turista, mas mainam na asikasuhin muna ang mga ito dahil iyon naman umano ang kanilang pakay—ang bumisita sa kanilang lugar.











