Nanguna ang Baguio City bilang pinakapinuntahang destinasyon sa Cordillera Administrative Region para sa taong 2024 at 2025, ayon sa datos mula sa Demand Data on Tourist Attractions (DTA).
Noong 2024, umabot sa 3.49 milyong turista ang bumisita sa lungsod, habang nanatili itong nangunguna noong 2025 na may mahigit 2.89 milyong arrivals.
Sumunod sa listahan ang La Trinidad, na nakapagtala ng higit 1 milyong bisita noong 2024 at mahigit 2 milyon noong 2025, na nagpapakita ng malaking pagtaas sa turismo sa lugar.
Kabilang din sa mga nangungunang destinasyon ang Sagada at Paracelis, na patuloy na dinarayo dahil sa kanilang natatanging likas na tanawin at cultural heritage.
Samantala, pumasok din sa listahan ang Tabuk City, Atok, at Banaue, na kilala sa kanilang mga tanawin, kultura, at eco-tourism attractions.
Ayon sa mga opisyal, patunay ito ng patuloy na paglago ng turismo sa Cordillera at ng interes ng mga lokal at dayuhang turista sa mga destinasyon sa hilagang bahagi ng Pilipinas.











