Baguio City- Nagpakitang gilas ang Baguio Jungolfers sa pagbubukas ng 4th Cordillera Golfers Foundation Inc. (CGFI) kung saan nakapagtala sila ng 98 points para makuha ang ikatlong pwesto sa unang round ng mens regular A na ginanap sa Pinewoods Golf Club.
Nakakuha ng 30 points ang 17 anyos na si Nathan Belandrez ng Baguio Jungolf Association, habang ang sampung taong gulang na si Marco Angheng ay nakapag ambag ng 26 points. Sina Basti Saycon, 16 taong gulang at si William Sulit, 15 years old ay nakapagbigay din ng 24 at 18 points.
Lilipat ang laro sa John Hay Golf Club para sa Round 2 at 3 bago matapos ang linggong ito. Nakuha ni Cordilleran golfer George Punasen ng Greenwater ang individual honors for the day dahil sa kanyang 37 points, kung saan pinangunahan niya ang kanyang koponan para manguna sa kabuuang 117 points sa regular mens A.
Malaki din ang naging kontribusyon ng kanyang mga kasamahan na sina Douglas Puckett (28), Garry Puckett (27), at Sonny Fontilea (25). nasa ikalawang pwesto ang Davao Eagle Masters III na may 109 points na pinagbidahan nila Christopher Tan, Regino Capa, Roderick Lo, at Larry Baluso.
Samantala sa inaugural ladies division, nagtabla ang Baguio Olympics 2 at Igolfers USA Team 13 na may 106 points.
Binubuo ng Baguio Olympics 2 sina Glaissa Del Rosario, Dina Eden, Jolannie Sacyat, at Myles Bazar, habang ang Igolfers USA Team 13 ay kinabibilangan nila Marceline Bangonan, Vivian Gomeyac, Gloria Moguet, at Kim Telles. Ang Golden Razcals naman ang nagdomina sa Seniors A na may 167 points, sa pangunguna nila Elias Bulut Jr., Bernard Capuyan, Kit Moreno, at Swanny Mangaoang.
Sa Seniors B naman ay nagwagi dito ang Team Pugo Adventure na may 170 points n pinagtulungan nila Eugene Martin, Cesar Pasiwen, Willy Cayat, at Robert Basco. | via Bombo Jordan Tablac











