Magkakaroon ng power interruption sa Biyernes, Enero 16, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay kay Laarni Ilagan, tagapagsalita ng Benguet Electric Cooperative (BENECO), isasagawa ang naturang hakbang upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga linemen at engineer sa gagawing commercial loading ng 50 MVA power transformer sa Lamut Substation sa parehong araw.
Apektado ng power interruption ang Feeders 11, 12, at 14, gayundin ang ilang bahagi ng Feeders 1 at 2.
Kabilang sa mga gawaing isasagawa ng BENECO ang paglilipat ng load sa 50 MVA power transformer, pag-upgrade o “pagtaas” ng mga pangunahing linya patungo sa tatlong kawad, at pag-install ng mga pangunahing poste.
Ayon pa kay Ilagan, inaasahang mapapabuti ang system flexibility ng BENECO at mas matutugunan ang tumataas na power demand sa lungsod, partikular sa mga lugar na sakop ng Feeders 11, 12, 14, 1, at 2.
Dagdag niya, kung sakaling hindi agad maibalik ang suplay ng kuryente sa itinakdang oras, humihingi ang BENECO ng kaunting pasensya mula sa publiko hanggang sa tuluyang maibalik ang kuryente.
Hiniling din ni Ilagan ang pag-unawa ng publiko, dahil ang ganitong uri ng maintenance ay isinasagawa isang beses lamang sa isang taon at mahalaga upang mapanatili ang kaligtasan at maayos na serbisyo ng kuryente. | via Bombo Jay-an Gabrillo











