--Ads--
Kinilala ang Benguet Police Provincial Office bilang Best Police Provincial Office sa bansa.
Iginawad ang parangal sa inaugural Philippine National Police Day na ginanap kahapon sa Camp Crame, Quezon City.
Ayon sa PNP, kinikilala ng award ang pagtutulungan, dedikasyon, disiplina, at propesyonalismo ng mga tauhan ng Benguet Police Provincial Office sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
Samantala, binati rin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Benguet sina Gobernador Melchor Daguines, Provincial Director PCol. Lambert Suerte, at lahat ng tauhan ng Benguet Police Provincial Office sa kanilang natamong pagkilala.









